【One stop foreigner consultation desk】

Ilan sa inyo ay nakagamit na sa serbisyo ng One stop foreigner consultation sa Sentrong pandaigdig ng Kawasaki, ang serbisyo sa konsultasyon para sa mga dayuhang residente ay nasa 11 na wika, kabilang na ang madaling hapones.

Karamihan sa 12 na tagapayo ay nagsasalita ng kanilang sariling wika, kaya masisimpatyahan kayo at mas magaan para sa inyo kumunsulta tungkol sa wika, kultura, at kaugalian. Nais namin na makaramdam kayo ng kaginhawaan at kagaanan.

Ang tagapayo na namamahala sa bawat wika ay depende sa araw ng lingo, kahit na sa araw na walang tagapayo sa inyong nais na wika ay maaring sumangguni sa pamamagitan ng interpretasyon gamit ang telepono.

Ang konsultasyon ang hindi lamang sa pagpunta sa opisina kundi pwede rin sa email, telepono, at Zoom online. Para sa karagdagang inpormasyon mangyaring tingnan ang website.
https://www.kian.or.jp/kic/soudan.shtml

Gayundin, sa bawat ward office ng Lungsod ng Kawasaki ay may gadget para gamitin ito para pagkonekta sa tagapayo sa pamamagitan ng videocall, kaya mangyaring gamitin ito.