"Medical Information para sa katapusan at simula ng taon"


Sa Japan, matagal nang itinuturing mahalaga ang pagtapos at pagsimula ng taon. Ang "pagtapos" ay nangangahulugang panahon ng paglipat mula sa isang yugto patungo sa isang bagong yugto. Matapos ang isang taon na maraming kaganapan, nais nating tapusin ang taon ng masaya at salubungin din ang Bagong Taon ng masaya.
Ngayon lang tayo makakaranas ng pagsalubong ng Bagong Taon na kalmado ang pagkalat ng Covid-19. Ito ay panahon ng pagtipon-tipon kasama ang pamilya at mga kaibigan at ito rin ay isang panahon kung saan maaring mangyari na makakuha ng virus. Kaya maging maingat dahil maraming medical facilities ang pansamantalang sarado mula sa katapusan ng taon hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.
Narito ang mga link ng website na impormasyon na inirerekomenda ng Lungsod ng Kawasaki:

Tungkol sa mga Medical Institutions na tumatanggap ng mga dayuhang pasyente https://www.city.kawasaki.jp/350/page/0000153148.html
Emergency Medical Information Center at impormasyon ng mga doctor sa Lungsod ng Kawasaki https://www.city.kawasaki.jp/350/page/0000017115.html
Manigong Bagong Taon sa lahat!

counter