"Anunsyo tungkol sa orientation para sa pagpasok sa elementarya."

Ang Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki ay magkakaroon ng orientation para sa mga magulang at mga bata na may kaugnayan sa ibang bansa na papasok sa elementarya ngayong pasukan sa darating na tagsibol.
Ang mga dating punong guro at mga taong may karanasan ay magpapaliwanag tungkol sa paaralan ng elementarya dito sa Japan. Manonood ng video at may quiz games habang ipapaliwanag ang sistema ng elementarya . Hindi lang para sa mga magulang at bata na mag-aaral ngayong pasukan, kundi pati na rin sa mga kasalukuyang nag-aaral na sa elementarya ay maaaring dumalo.

Kailan : Enero 27, 2024 (Sabado) 1:30 - 4:00
Saan : Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki. 2-2 Kizuki Gion-cho, Nakahara-ku, Lungsod ng Kawasaki
Sino : Mga magulang at bata na may kaugnayan sa ibang bansa
Magkano : Libre

Mangyaring magparehistro sa pamamagitan ng telepono o E-mail. Kung kailangan ninyo ng interpreter ipalam sa amin ng maaga para mapaghandaan naming kayo ng interpreter.
Telepono: 044-435-7000
E-mail: soudan39@kian.or.jp
https://www.kian.or.jp/evenko23/event/admission-guidance.shtml

Dito sa Sentrong Pandaigdig ng Kawasaki, tumatanggap kami ng mga donasyon tulad ng mga used Randsel, used school supplies, at used na damit na maari pang maisuot sa opening ceremony, used na damit na maaring maisuot sa iba pang school events. Ito ay aming ipamimigay sa mga nangangailangan. Mangyaring makipag-ugnay muna sa amin.

counter