Magkakaroon ng event sa Kawasaki International Center kung saan puwedeng maranasan ang kultura ng iba't ibang bansa at rehiyon. Nais mo bang mag-boluntaryo habang nakikipag-ugnayan sa taga-iba't ibang bansa?
① Paghahanda sa bisperas ng event
Kailan: Nobyembre 8 (Sabado), 10am - 2pm (Mayroon lunch break)
Saan: Kawasaki International Center
Gawain: Pag-aayos ng venue (paglilipat at paglalagay ng mga gamit, pagdekorasyon, atbp.)
Ibabahagi: Onigiri (Japanese rice balls) at munting souvenir
② Sa araw ng Festival
Kailan: Nobyembre 9 (Linggo), 9:30am - 5:30pm (Mayroon lunch break.)
Saan: Kawasaki International Center
Gawain: Pag-assist sa booth at paglilinis pagkatapos ng event.
Ibabahagi: Bento (lunch meal) at munting souvenir
Paano Mag-aplay:
Mangyaring mag-aplay sa pamamagitan ng link na ito: https://www.kian.or.jp/frm-vol-fes25.shtml
Deadline ng aplikasyon: Oktubre 30 (Huwebes)