Impormasyon Tungkol sa Paglikas Kaugnay ng Bagyong No.6 (JANGMI)

Papalapit na ang bagyong No.6 (JANGMI) dahil may panganib ng pagbaha dulot ng pag-apaw ng tubig sa mga kanal at drainage system, nag-anunsyo ang Lungsod ng Kawasaki ng utos sa paglikas para sa ilang lugar at mga abiso sa paglikas para sa mga nakatatanda at iba pang nangangailangan ng espesyal na tulong.
Mangyaring huwag magpalinlang sa maling impormasyon. Manatiling kalmado at kumilos batay sa opisyal na impormasyon.
Maaari ninyong tingnan ang pinakabagong impormasyon sa "Kawasaki City Disaster Prevention Portal Site": https://portal.kikikanri.city.kawasaki.jp/
(Maaari itong tingnan sa iba't ibang wika.)

・Para malaman kung aling mga lugar ang may inilabas na utos o abiso sa paglikas, tingnan ang :
https://portal.kikikanri.city.kawasaki.jp/hinan/hinan-siji.html

・Para malaman kung saan maaaring lumikas, tingnan ang :
https://portal.kikikanri.city.kawasaki.jp/hinan/hinanjyo-ichiran.html