Paliwanag sa paraan ng pagsusulat sa porma ng "Pabahay ng Gobyerno/Shiei Jutaku"

Gusto kong mag-aplay ng pabahay subalit di ko alam paano pagfill-up....sa mga ganung alalahanin,tutulungan namin kayo kung paano sulatan ang form at maari ng ihulog agad sa koreo pagkatapos.
Ang aplikasyon ay para sa mga residensya ng nasasakupan ng Kawasaki,o sa mga nagtatrabaho sa Kawasaki ng 1 taon na mahigit. (Mayroong tagasaling-wika sa Ingles,Intsik,Koreya,Portugis,Español、Pilipino,Biyetnamis,Thai,Indonisya at Nepalis.

♢Petsa : Ika-12 ng Hunyo (Sabado) mula 10:00-12:00
♢Lugar : Kawasaki International Center
♢Huling araw ng reserbasyon: Hunyo 9,Miyerkoles hanggang 4:30 pm. Sa telepono,mail,o bumisita.
♢Telepono : 044-455-8811
♢E-mail:soudan39@kian.or.jp
♢Dapat dalhin: Katunayan ng Kinita ng nakaraang taon(Genzen choushousho,o kaya Kazei shomeisho)