[Maaari ng kumunsulta ng multilingual kahit sa mga ward offices o munisipyo ng Kawasaki]

Alam nyo ba ? na sa mga tanggapan sa ward/munisipyo ng Kawasaki ay maaari nilang ikonekta ang videocall sa one-stop center dito sa Kawasaki International Center.Hindi lamang tungkol sa mga aplikasyon o papel na kinukuha ang pupwede sa Munisipyo kundi maaari na ring magpakunsulta sa pamamagitan ng i-pad/videocall na nasa mga windows sa 11 na lenguahe.Mayroong konsultasyon sa English at Chinese mula Lunes hanggang Sabado mula 10:00 – 16:00. Maliban sa oras ng tanghalian 12:00–13:00.

Para malaman ang schedule ng mga wika sa kanilang araw,pakitignan lamang sa aming website tungkol sa impormasyon.
https://www.kian.or.jp/kic/soudan.shtml
Direktang dial : 044-455-8811
Asosasyong Pandaigdig ng Kawasaki