Mangyaring ilabas ang Kasalukuyang mga notices sa allowance ng bata(jidou teate genkyou-todoke)

Tuwing Hunyo a-uno bawat taon,ang “Jidou Teate” ay nagpapalit ng panibagong taon.
Kinakailangang iupdate ang “Genkyou Todoke”. Para makatanggap uli ng Jidou Teate nitong taon ng
(2017 Hunyo – Mayo 2018),kinakailangang iaplay uli ang “Genkyou Todoke”. Sa kalagitnaan ng Hunyo ay ipapadala ng munisipyo ang papel ng “Genkyou Todoke”sa inyong address,Kailangang ipadala ito bago dumating ang takdang araw(deadline) na nakasulat.
(para sa higit na kaalaman, tignan ito sa Kawasaki website na nakasulat.)
http://www.city.kawasaki.jp/450/page/0000030462.html