Ayon sa Batas ng Tala ng Dayuhan, katungkulan ng isang dayuhan na may planong tumigil sa bansang hapon ng mahigit (90days) tatlong buwan ang magparehistro bilang isang dayuhan.
Kinakailangang isagawa ang pagpapatala ng mismong mamamayan ng ibang bansa (dayuhan) maliban na lamang kung siya ay wala pang labing anim na taong gulang, kinakailangang I-aplay ng kinatawan na kasama sa tirahan na may 16 taong gulang pataas. Makakamit ang gaikokujin touroku shoumeisho (alien card) pagkaraan ng dalawang linggo mula sa araw ng pagpapatala. Sa mga wala pang 16 na taong gulang, makukuha ito sa mismong araw ng pagpapatala.
| Halimbawa | Palugit ng pagpapatala | Lugar ng Talaan | Kakailanganing Dokumento |
| Bagong dating sa bansang Hapon | sa loob ng 90 araw mula ng dumating, kung balak na tumira sa bansang Hapon ng mahigit sa 90 araw. | magpatala bilang isang dayuhan sa tanggapang malapit sa tinitirahang munisipalidad |
Pasaporte Litrato 2 piraso (4.5 cm x 3.5 cm), kung wala pang 16 taong gulang, hindi kinakailangan ang litrato. |
| Sa kasong nanganak | sa loob ng 60 araw mula sa araw na ipinanganak. | Ipatala ang sanggol sa tanggapang malapit sa tinitirahang munisipalidad | Shussei Todoke Juri Shoumeisho (Patunay ng Pagpatala ng Panganganak) o kaya ang pasaporteng nakapasok ang pangalan ng sanggol.(Maaaring ipatala ang sanggol kahit wala pang pasaporte.) |
Kapag may pagbabago sa nilalaman ng tala bilang isang dayuhan (tirahan, pangalan, nasyonalidad, trabaho , uri ng pahintulot ng pagtigil, palugit ng pahintulot na manirahan atbp. kinakailangang isaayos ang mga maling tala sa munisipyong pinagtalaan. Mag-aplay ng personal (Para sa mga wala pang 16 taong gulang, maaaring I-aplay ito ng kasambahay na may edad na 16 taong gulang pataas.
| Halimbawa | Palugit ng pagpapatala | Lugar ng Talaan | Kakailanganing Dokumento |
| Pagpapalit ng lugar ng tirahan | Sa loob ng 14 araw mula sa araw ng paglilipat. | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan | Sertipiko ng pagpapatala bilang dayuhan (Alien Registration Certificate) |
| Mga pagbabago maliban sa tirahan | Pareho ng nasa itaas | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan | Sertipiko ng pagpapatala bilang dayuhan (Alien Registration Certificate) Katibayan ng pagbabago ng tirahan |
| Maling impormasyon sa rehistro | Sa lalong madaling panahon | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan | Sertipiko ng pagpapatala bilang dayuhan Papel na magpapatunay ng katotohanan ng maling impormasyon |
* Kapag wala ng espasyo para sa pagpapabago ng Pangalan, Kasarian, Araw ng Kapanganakan, Pagbabago ng Nasyonalidad atbpa kailangang magdala ng 2 litrato (45mm x 35mm)at pasaporte.
Kinakailangan ang pagpapa-isyu ng bagong Alien Registration Card bago sumapit ang araw ng pagkawala ng bisa nito. Tiyakin ang mga nilalaman ng inyong tala at ipabago ang ang mga maling detalye ng inyong ARC. Kung ang inyong Gaikokujin Touroku Shoumeisho (Alien Registration Card) ay nawala o ninakaw, magsadya ng personal sa munisipyo at humiling na mapalitan ito. Dalhin ang Pasaporte, Larawan (4.5 cm x 3.5 cm) 2 piraso, (kuha sa loob ng anim na buwang nakaraan) kung wala pang 16 na taong gulang, hindi kinakailangan magdala ng larawan at maaari siyang ipatala ng miyembro ng pamilyang may mahigit 16 na taong gulang.
| Halimbawa | Palugit ng pagpapatala | Lugar ng Talaan | Kakailanganing Dokumento |
| Pagpapabago (16taong gulang pababa) | Sa loob ng 30 araw pagkatapos ng ika-16 taong kaarawan | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan |
|
| Pagpapabago (16taong gulang pataas) | Sa loob ng 30 araw mula sa araw ng pagpapabago na nakasulat sa ARC | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan |
|
| Kapag nadumihan ang ARC | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan |
|
|
| Kapag nawala ang ARC | Sa loob ng 14 araw pagkatapos malaman ang pagkawala nito | Pampamahalaang tanggapan o sangay nito na malapit sa tirahan |
|
Ang mga aplikasyon sa Pagkakaroon ng pahintulot na manirahan ⋅ pag-aplay para sa pagpapabago, palugit ng panahon ng pahintulot na manirahan, re-entry permit atbp ay kinakailangang sumangguni sa Kawanihan ng Imigrasyon na sakop ng inyong lugar.
Pagkatapos mapagkalooban ng mga nabanggit na inaplayan, ipagbigay-alam ito sa pampamahalaang tanggapan o mga sangay nito na malapit sa inyong tirahan para sa pagpapabago ng mga impormasyong nakatala sa ARC.
Katunayan ng pagpapatala (Gaikokujin Touroku Sumi Shoumeisho)
Ang Sertipiko ng impormasyong nakatala sa ARC na naglalaman ng tirahan at nagpapatunay ng pagkatao ng isang dayuhan ay maaaring makuha sa pampamahalaang tanggapan o sangay nito ng may bayad.
Maaaring makakuha ang isang kinatawang may dalang “ininjyo” (authorization) samantalang hindi naman ito kakailanganin sa kinatawang miyembro ng pamilya at kasama sa tirahan.