Ang Asosasyong Pandaigdig ng Kawasaki
Home / Tagalog top

Panibagong pasyente ng bagong uri ng trankaso (H1N1 flu) sa loob ng Siyudad.

Ang Impormasyong ito ay mula Mayo 21, 2009 hanggang Hulyo 23, 2009

page top

Kaukulang hakbang laban sa bagong uri ng Influenza (Trangkaso)

Anunsyo: Ang konsultasyon serbisyo ay nagpalit ng Oras!
Ang Siyudad ng Kawasaki ay naghahandog ng konsultasyon serbisyong “Hatsunetsu Soudan Centre” upang mapag-alaman ang kasalukuyang nagaganap tungkol sa Influenza. Mula ika-15 ng Agosto, binago ang oras ng paninilbihan tulad ng sumusunod:
Lunes hanggang Biyernes: 8:30am - 5:00pm
Sabado, Linggo at Pistang Opisyal: Sarado

1. Ang Sistema ng Medikal na pangangalaga laban sa Inluenza ay Binago.

Ayon sa pagbabago sa sistemang pang-medikal tungkol sa pangangalaga laban sa influenza nitong Hulyo 22, 2009, maaari nang dumiretso at magpatingin sa doctor at pagamutan. Kaugnay dito, ang “Hatsunetsu Gairai” (the special outpatients’ desk for Influenza) ay itinigil na.

Pagpapatingin sa Doktor kapag may lagnat, ubo at malat:

  • Mangyaring tumawag muna sa pagamutan bago magsadya at magpatingin sa Doktor.
  • Ito ay upang mapanigurado kung tatanggapin kayo at kung bukas ang serbisyo, at para malaman kung saan kayo unang dapat pumunta. Magsuot ng mask paglabas ng bahay.

Kung may sakit kang chronic*at sa palagay mo may influenza ka:

*ang chronic ay patuloy o matagal nang sakit na hindi gumagaling tulad ng (Asthma etc.), chronic cardiac disease, metabolic disease (diabetes), kidney disease

  • Kumunsulta ng maaga sa inyong suking doctor at magtanong ng dapat gawin bago magpatingin sa ibang doctor.

Kapag inaakalang buntis o nagdadalang-tao at nagka-Influenza:

  • Makipag-ugnayan sa inyong suking ob-gyne upang alamin kung saan dapat magpatingin.

Para sa mga ayaw magpatingin at nais mamalagi at magpahinga na lang sa tahanan: Iwasang lumabas ng dalawang araw pagkatapos bumaba ang lagnat at bumalik sa normal. Magpahinga ng marami hanggat maaari.

page top

2. Konsultasyong serbisyo para sa Influenza (Hatsunetsu Soudan Center)

Kapag hindi sigurado kung saang ospital o klinika dapat pumunta, o kung anong dapat gawin sa bahay, tumawag at kumunsulta sa sentro. Magagamit din ang Fax para sa konsultasyon. Konsultasyon ay sa Nihongo lamang.

Anunsyo: Ang konsultasyon serbisyo ay nagpalit ng Oras!
Ang Siyudad ng Kawasaki ay naghahandog ng konsultasyon serbisyong “Hatsunetsu Soudan Centre” upang mapag-alaman ang kasalukuyang nagaganap tungkol sa Influenza. Mula ika-15 ng Agosto, binago ang oras ng paninilbihan tulad ng sumusunod:
Lunes hanggang Biyernes: 8:30am - 5:00pm
Sabado, Linggo at Pistang Opisyal: Sarado
Pangalan ng Institusyon Numero ng Telepono Oras ng bukas
Health Welfare Office Health Security room
(Kenko Fukushi kyoku kenko anzen shitsu)
044-200-2692
Fax: 044-200-3928
8:30-17:00 (Weekdays)
Tanggapang pampamahalaan ng Kawasaki Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Kawasaki Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-201-3189
Tanggapang pampamahalaan ng Saiwai Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Saiwai Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-556-6715
Tanggapang pampamahalaan ng Nakahara Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Nakahara Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-744-3104
Tanggapang pampamahalaan ng Takatsu Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Takatsu Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-861-3341
Tanggapang pampamahalaan ng Miyamae Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Miyamae Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-856-3217
Tanggapang pampamahalaan ng Tama Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Tama Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-935-3217
Tanggapang pampamahalaan ng Asao Sentro ng Pangkalusugan at Kapakanan
(Asao Kuyakusho Hoken Fukushi Center)
044-965-5218

Ang sernisyong ito ay tumatanggap ng Fax saa loob ng 24 oras, samantalang ang kasagutan ay matatanggap sa susunod na araw sa oras ng 8:30.

page top

3. Mga may kinalalamang Link

The Ministry of Health, Labour and Welfare Website (Japanese)
Mga tanong at kasagutan (Q&A) tungkol sa bagong uri ng influenza o trankaso. (The Ministry of Health, Labour and Welfare Web Page) (Japanese)
The relevant information on pandemic flu (The Ministry of Health, Labour and Welfare Web Page) (Japanese)
The Foreign Ministry Website (Japanese)
World Health Organization (English)
Current WHO phase of pandemic alert (English)

Para sa iba pang katanungan:

Kawasaki kenko fukushi kyoku kenko anzen shitsu
Telepono: 044-200-2412


Copyright (c) Kwasaki International Association. All rights reserved.