Panawagan sa PublikoApila ukol sa pagdami ng pasyenteng nahawa ng bagong uri ng Trankaso (Shin gata Influenza)
Ika-28 ng Oktubre
Pangkat laban sa trankasong H1N1 ng Siyudad ng Kawasaki
Mayor ng Kawasaki - Takao Abe
Mula ng katapusan ng buwan ng Septyembre hanggang sa pagpasok ng buwan ng Oktubre ay napag-alamang dumadami ang nagkakaroon ng bagong uri ng Influenza o trankaso ayon sa warning value ay may 30 kataong porsyento ang nasa proseso ng obserbasyon. Ang bilang ng pasyente sa bawat linggo ay tinatayang umaabot ng 10 libong katao sa Lungsod, higit sa lahat dumarami ang pasyenteng nasa edad na 9 na taong gulang pababa.
Ang patuloy na pagdami ng pasyenteng nahahawa ay magbibigay ng malaking epekto sa mga pagamutan at maaaring maging sanhi ng kakulangan sa pagbibigay lunas sa mga ito. Inaasahan ang kooperasyon at malawak na pag-intindi sa mga sumusunod:
- Pagkagaling sa labas, siguraduhing mag mumog at maghugas ng kamay.
- Ingatan at iwasang iharap sa tao ang pag-bahing at pag-ubo.(etiketa)
- Hirap sa paghinga, mabilis ang paghinga, at iba pang sintomas, ang kombulsyon ay naiiba sa dati at ibapa, mangyari po lamang na magpatingin sa pagamutan.
- Sa pagpapatingin, upang hindi mahawa ang ibang pasyente sa pagamutan, tumawag muna at magpasintabi sa ospital at magsuot ng mask sa oras ng pagpapatingin.
- Sa mga buntis, may hika at diyabetes, mangyaring ipaalam sa suking doctor o pagamutan oras na magkaroon ng lagnat.
- Sa mga pasyenteng walang ibang sakit tulad ng nabanggit at hindi gaanong matindi ang sintomas, maari po lamang na iwasan ang magpatingin sa oras ng pistang opisyal, panggabi at emerhensyang pagamutan.
- Sa mga walang sintomas, hindi kinakailangang magpatingin upang magpagawa ng sertipiko o katibayan ng hindi pagkahawa ng sakit.
Pagpapatuloy nito, Inaasahan ang pagbibigay-halaga sa gawi ng pamumuhay upang maiwasan ang [Mahawa at Manghawa] nitong bagong uri ng Trankaso o Influenza.