Ang kodomo teate ay sistemang pinansyal na suporta mula sa gobyerno para sa mga magulang/tagapag-alaga ng (mga) bata bilang tulong sa pagpapalaki ng mga bata. Ang suportang ito ay ibibigay hanggang sa makatapos ang bata ng junior high school.
- Mula sa buwan ng Oktubre 2011, binago ang sistema ng pinansyal na suporta sa mga bata (kodomo teate).
- Ang mga dati nang tumatanggap ng pinansyal na suporta ayon sa nagdaang sistema ay kunakailangang mag-aplay muli gamit ang bagong papel sa pag-aaplay.
A “認定請求書” (Nintei Seikyusho: Reapplication form)
Ang reapplication form ay ipinadala sa koreo noong unang linggo ng buwan ng Nobyembre sa mga dati nang tumatanggap hanggang sa buwan ng Septyembre 2011. Mangyaring sulatan ito at sumunod sa proseso ng pag-aaplay. Kung mag-aaplay hanggang sa ika-31 ng Marso 2012, matatanggap ng suporta mula sa buwan ng Oktubre. Alalahaning ang suporta ay matatanggap sa susunod ng buwan pagkatapos ng aplikasyon.
- Kwalipikasyon (mga pwedeng tumanggap)
- Mga batang nakatira sa bansang Hapon at hindi pa tapos ng junior high school. (Ang mga batang may parehong edad at nag-aaral sa ibang bansa ay pwedeng makatanggap).
- Mga batang dayuhan na nasa parehong edad at may Alien Registration certificate. (hindi kasali ang Short-stay Visa holder)
- Halaga ng suporta hanggang Marso 2012
-
| Hanggang 2 taong gulang |
¥15,000 (yen/buwan) |
| Mula 3 taong gulang hanggang makatapos ng elementarya |
¥10,000 (pangatlong anak at ang mga sumunod ¥15,000) |
| Junior high school student |
¥10,000 |
- Ang mga nanganak at naglipat sa Siyudad ng Kawasaki ay kwalipikadong tumanggap ng pinansyal na suporta para sa mga bata (kodomo teate).
- Makakatanggap ng pinansyal na suporta sa susunod na buwan pagkatapos ng aplikasyon. Mag-aplay sa munisipyo at mga sangay nito.
- Ang mga bagong lipat ng tirahan ay kinakailangan ang panibagong pag-aaplay sa nilipatang lugar.
- Katanungan
- Call Center ng kodomo teate:
Tel: 044-200-9128
- Departamento ng mga mamamayan at mga may kinalaman sa bata, Seksyon para sa Pamilya at mga bata
Tel: 044-200-2674 (wikang hapon lamang)