Kawasaki International Association

Home / Filipino top

Makipag-ugnay sa Amin


Para sa mga dayuhan,

Para sa mga hindi pa nag-aplay ng Supplementary Income Payments at Special Allowance for Child Rearing

Nais ipagbigay-alam na ang dealdline ng pag-aaplay para sa Supplementary Income Payments at Special Allowance for Child Rearing sa Siyudad ng Kawasaki ay magtatapos sa (Lunes)ika-2 ng Nobyembre, 2009 markado ng Koreo sa araw na ito) Sa mga hindi pa nag-aplay, madaliing mag-aplay.
Ang porma ng aplikasyon ay sinimulang ipadala noong ika-30 ng Marso (Huwebes) sa lahat ng residensya (sa mga householder na Hapon, sa mismomg pangalan ng taga-ibang bansa) Sa mga hindi pa nakatanggap nito, mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa kinauukulan.

Aplikasyon at paraan ng pagtanggap:
Pil-apan o sulatan ang pormang padala ng Siyudad, kopya ng katunayan ng pagkatao tulad ng (driver's license) at kopya ng bank account at ipadala gamit ang nakalakib na sobre ng sulat galing Taishikan

Katanungan:
Supplementary Income Payments at Special Allowance for Child Rearing (Sabado, Liggo at Pistang Opisyal ay mula 8 ng umaga hanggang 9 ng gabi sa wikang (Ingles) · (Intsik) · (Koryano)
Telepono: 044-540-0787 FAX: 044-200-3920


Ang lahat ng mga dayuhang namamalagi sa bansang hapon sa itinalagang panahon, ay kinakailangang magparehistro bilang dayuhan sa pinakamalapit na tanggapan ng lugar ng tirahan ayon sa batas ng Alien Registration. Importante ito sa lahat ng dayuhan para sa maginhawang pamumuhay.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Hapon ay may planong magbigay ng benepisyong pinansyal (teigaku kyufukin) sa lahat ng residente. Kasali sa makakatanggap ng benipisyong ito ang mga dayuhan, ibibigay ito sa pamamagitan ng mga tanggapan ng pamahalaan sa lugar ng tirahan sa kondisyong kailangang nakarehistro bilang dayuhan bago mag-ika- 1 ng Pebrero.

Ipagbibigay alam ang iba pang detalye sa nalalapit na panahon.


Copyright (c) Kwasaki International Association. All rights reserved. 418601